Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sugar daddy app pinakalkal sa Senado

0 147

Pinaiimbestigahan ni Senador Leila de Lima ang pagtaas ng sign-up sa sugar daddy dating site na kinahuhumalingan ng kababaihan at ilang mga estudyante na aniya’y maaaring magresulta sa pang-aabuso sa mga ito.

Inihain ni De Lima ang Senate Resolution No. 609 na naglalayong siyasatin ang naturang dating app na nagiging source of income ng ilang kababaihan sa kasalukuyan.

“There is an urgent need to safeguard vulnerable sectors and effectively address the employment needs and concerns of Filipinos… [and to] prevent the further proliferation of abuse and exploitation, particularly among young women,” sabi ni De Lima.

“Under this arrangement, the ‘sugar baby’ is given financial assistance by a ‘sugar daddy/mommy’ in exchange for companionship and other favors which are mostly sexual in nature,” saad pa nito.

SM food to go Banner Ad

Batay sa mga ulat, may 63% pagtaas sa sign-up at 79% sa kanila ay naging `sugar babies’ mula Marso hanggang Agosto 2020 o sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).

Nakapagtala ang nasabing dating site ng pinakamalaking bilang ng mga Filipino user sa National Capital Region (NCR) kung saa 12,450 sa kanila ay `sugar babies’ habang 4,507 naman ang `sugar daddies’.

Pumangalawa ang Central Visayas na sinundan ng Central Luzon at Davao region. Karamihan sa mga nakarehistrong `sugar babies’ ay mga estudyante.

Ayon kay De Lima, inihalintulad ng mga rights advocate at legal expert ang `business model’ ng Sugar daddy site sa konsepto ng prostitusyon na sinasamantala ang kahinaan lalo na ng mga kabataang babae.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.