Abante Tonite Interactive

Sugar niregaluhan ni Willie ng bagong kotse

By
0 3,049

Galante talaga ni Willie Revillame dahil sa kanyang maagang pamasko sa “Wowowin” co-host na si Sugar Mercado.
Nakatanggap kasi siya ng isang brand new car.

Masayang ibinahagi ni Sugar ang blessing sa kanyang Instagram.

Aniya, “Thank you for your big Heart! Mas magiging happy lalo ang Christmas namin ng mga kids ko! We love you maraming salamat kuya Wil napakabuti mo sa aming lahat.”

Kaya naman patuloy rin ang mga biyayang dumadating kay Willie dahil sa pagiging generous niya.