Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sugat ng biopsy

0 141

Sa ayaw at sa gusto natin, may pagkakataon kung minsan na nakukumpara natin ang ating sarili sa iba. Hindi naman natin maiiwasan na magtanong ng “bakit ganon?” o “bakit ganyan?”.

Sa mga klinila o ospital, natatanong natin kung ano ang nangyari sa katabi o kasama sa ward. At itong linggong ito, ng dahil sa biopsy, nagtanong ang ating reader, dahil habang nagaantay na magpa follow up sa kaniyang seruhano ay nakakwentuhan nya ang mga naksabay niya. Parepareho naman silang na biopsy, pero bakit ibaiba ang kanilang mga sugat. Di umanong ang laki ng kanyang sugat kumpara sa mga nakausap.

“Bakit ganoon?“ aniya, “yung isa ay wala pa sa kalahati sa kanyang sugat, at ang isa naman halos wala ngang sugat. Hindi ba dapat parepareho lang ang sugat dahil sa parepareho naman kaming nagpa biopsy?”

Tama ang obserbasyon ng ating reader, iba’t iba ang maaaring sugat kapag na biopsy. Ngunit bago natin sagutin ito, ano ba ang biopsy? at para ano ang halaga nito? Ang biopsy ay isang eksaminasyon na ginagawa ng seruhano kung sakaling may madiskubreng bukol sa katawan.

Itong bukol na ito ay kinukuha at ipinapadala sa laboratory at sumasailalim ng madaming proseso, mula sa paghanda ng specimen, sa pagputol nito, binibigyan ng kulay sa pamamagitan ng paglubog sa iba’t ibang mga dye at pangkulay, hanggang sa ilalagay sa isang slide kung saan naman titingnan at babasahin ng isang pathologist at suriin ang kaniyang mga makikita. Ang pinakamahalaga ay malaman kunga ang bukol ba ay benign o malignant.

Kung benign, ito ay sapat nang tanggalin lamang at maaaring maayos na ang kalagayan ng pasyente. Ngunit kung malignant, ang ibig sabihin nito ay may kanser ang pasyente. May posibilidad na lumaki ng husto ang bukol, idamay ang mag karatig na lugar, at higit sa lahat ay bumyahe at lumipat sa mga ibang lugar o mag metastasize.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkatapos malaman ito ay sinusubukang pangalanin ang bukol para makagawa ng nararapat na desisyon ang doktor at ang pasyente.

Nagkakatalo sa pamamagitan kung papaano makukuha ang bukol na ito, mula sa katawan ng may sakit. Mayroong excision biopsy, kung saan tinatanggal na ng buong buo ang bukol at ito ang ibinibigay sa laboratory. Kung gaano kalaki ang bukol, hindi malayo na malaki din ang sugat nito.

Kung sakali sobrang laki naman ng bukol at kinakailangang planuhin ng mabuti ang operasyon, mayroon naman tinatawag na incision biopsy.

Ito aykumukuha lamang ng maliit na parte ng bukol na syang ipapadala sa laboratoryo. Dahil dito, malamang mas maliit ng di hamak ang sugat nito, hanggang sa pagkakataong lumabas ang resulta at kailanganin maoperahan muli. May mga pagkakataon naman na gumagamit lamang ng malalaking hiringgilya at gawin ang fine needle aspiration biopsy, kung saan tusok lamang ng karayom ang magiging sugat kaya kung minsan ay hindi pa nahahalata.

Ano man ang pamamaraan, kun may bukol, pinakamainam malaman kung ano ito. Pinakamaganda ay matanggal, at kung sakaling maging kanser man, naagapan at matanggal ng buong buo, maaaring gumaling ang pasyente at mabuhay pa ng matagal na panahon.

Hanggang sa susunod ! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.