Abante Tonite Interactive

Sugat ni Tenorio malayo sa bituka

0 274

Putok ang baba ng kaliwang kilay ni LA Tenorio bago natapos ang 92-84 win ng Ginebra sa Meralco sa Game 3 ng PBA Gover­nors Cup Finals nitong Linggo.

Wala pang 5 minutes ang nauubos sa fourth quarter nang may makaumpugan ang 35-anyos na playmaker. Nagkasugat, dumugo.

Pinaampat lang ang dugo, nilagyan ng tape pero ­nanatili sa laro ang Ironman ng PBA at ­tumapos ng 11 points, 2 ­rebounds, 4 assists at 2 steals.

“Wala ‘yan, malayo sa bituka,” biro pa ni Tenorio habang ginagamot ang kanyang sugat at nilalag­yan ng Tegaderm Film dressing frame sa locker room ng Smart Araneta Coliseum.

Bale-wala kay LA ang sugat tapos ng panalo na nagbigay sa Gin Kings ng 2-1 lead sa best-of-seven.

Pagpasok ng Game 4 mamayang gabi sa Big Dome rin ay mas nagkaroon ng tiwala sa sarili ang Gins na kaya nilang talunin ang Bolts.

“Unti-unting nagkakaroon na kami ng kumpiyansa and belief na kaya naming talunin ‘tong team na ‘to,” anang 5-foot-9 guard na huling lumabas ng dugout.

“Kasi going to this series, may mga doubts talaga kami sa sarili namin. How can we beat this strong Meralco team? They’re strong not because offensively but defensively. Alam naman natin … ‘yun ‘yung mantra nila.”

Kaya naghanap daw talaga sila ng paraan kung paano makakaiskor, kung paano babasagin ang depensa. (VE)