Abante Tonite Interactive

‘Sugat’ nina Kim, Maja naghilom na

576

Ang lupa ba may paggalaw sa pagkasundong muli nina Maja Salvador at Kim Chiu? Siguro namang hindi kayo sa kuweba naninirahan kaya alam niyo kung sino at ano ang pagkakapareho na meron sila.

Hindi na natin kailangang itago pa sa pa­ngalang Ge­rald Anderson ang one thing in common nilang dalawa, hindi ba naman?

Ang kanilang mga panatiko at sumusuporta, ikinalugod na makita ang photo posting­ nila habang mega bonding sa Times Square sa New York City.

Wow! Just wow ba talaga ang dapat na reaksyon natin dito? Siguro kung sinama na nila sa kanilang bon­ding si Sarah Geronimo, ‘yun ang mas triple wow at pangabog talaga ang audience impact.

Saka na nila isama si Bea Alonzo dahil busy pa ito sa kanyang scriptwriting class at bonding time with Paulo Avelino and their common friends in posh hangouts.

Kaya nasa Nueva York ang dalawang dalagang minsan ay minahal ni Papa Gege, perform ang mga hitad sa Kapamilya World Fiesta.

Ang kuda ni Salvador sa litrato nila ni Chiu-chay: “See you later mga kababayan dito sa New Jersey! (heart emoji) Hi Kimmmeeey @chinita­princess (wave, kiss emojis) #KFWNewJersey2019.”

Ang kuda ni Kim para sa “The Killer Bride”: “Endless reminiscing with this one, remembering our kalokohan before.., laugh here and there, stories this and that. (laughing emoji).”

Kuda muli: “from wedge, heels, to white sneakers now!!!! (wedge, heels, sneakers emojis) hahaha (laughing emoji) Some things never change!! still the same us!!! fun times in time square at 1am! (USA flag).”

Ang pagkakaayos nina Maja at Chiu ba ay isang buhay na patotoo sa matandang kasabihan na “time heals all wounds”? O, plastikan with a capital P ang emote nilang dalawa para mapag-usapan dahil nga kahit sila, umay na umay na rin na lagi na lang sina Alonzo at Julia Barretto ang pinag-uusapan? Gusto rin nilang maramdaman silang dalawa lalo na nga’t someone that they used to love silang pareho ni Anderson?

Mas bongga siguro kung mag-tell all ang dalawa kung ano nga ang birtud at taglay na pambihira ni Gerald para naman magkaalaman na, mag-compare notes na kaya kayo para ang saya-saya lang. Charot! Hahahaha!

BB Gandanghari mukhang baklang payat pa rin

 

Ang mukhang hindi na gumagalaw dahil sa retoke at ang botox, may kaunting-kaunting paggalaw kaya matapos nilang mapagtanto na ang kanilang kaidarang si BB Gandanghari, may career pa pala at kasali sa isang Netflix program, ang “Glow”?

Sino kaya ang divine inspiration ni BB sa kanyang katauhang manghuhula na ang pangalan ay Patricia? Si Manang Bola kaya na may perlas na bilog na hindi dapat tutulog-tulog? Si Madam Auring na madalas sablay at wala sa hulog ang mga vibration sa kanyang mahiwagang crystal ball? O si Madam Elma, ang babaeng psychic na ang claim to infamy eh kayang bumuhay ng bangkay?

‘Pag sinisipat mo ang screen grab ima­ges ni Bb, parang hindi pa rin siya transitio­ning to another gender, baklang payat pa rin siyang nagdadamit babae. Kasi if she is undergoing female hormone therapy, mas softer na dapat ang kanyang face, dapat may breasts na siyang namumukol at wala na at all na semblance of Rustom na makikita sa kanya. Kasi nga sa mga IG posting niya na parang super model ang kanyang posing, para pa rin siyang si Rustom na thin, looks unhealthy and uncared for, siya ang living e­xample of the word WAIF.

Well, choice niya naman iyan. Kung sa kanyang pananalig being waif-looking eh ikinagaganda niya. Hayaan na natin.

 

Benjamin pinaglaruan ang ari

 

Gumalaw sa tuwa ang pamilyang Heussaff at Bolzico sa balitang buntis na si Mrs. Bolzico, ang isa sa mga paborito nating It Girls at Kapuso starlet Solenn.

Apat at kalaha­ting buwang buntis si Heussaff na bida sa sinasabing brutal at gruesome drama na “Misterio dela Noche”.

Sa world premiere nito sa Cinemalaya as one of the films in exhibition, maigting na pa­lakpakan at mainit ang pagtanggap sa pelikulang idinirehe ni Adolf Alix Jr.

Walang saplot ang katauhan ni Solenn na aswang sa “Misterio” at hindi rin nagpakabog si Benjamin Alves na dahil may eksenang pinag­lalaruan nito ang kanyang ari-arian, ibinuyangyang pa ang behind habang may cinematic sexual congress sa kapareha.