Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sugatan sa pagpasok ng 2021 natapyasan

0 60

Maraming ospital sa bansa ang nag-report ng pinakamababang bilang ng mga sugatan dahil sa paputok nitong pagsalubong sa bagong taon.

Mula noong Disyembre 24, 2020 hanggang kaagahan ng Enero 1, 2021, limang firecracker injuries lamang ang naiulat sa East Ave. Medical Center (EAMC), na kinokonsidera nilang pinakamababa simula 2006.

SM food to go Banner Ad

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Dr. Willie Saludares, ng emergency department and trauma center, na tatlong sugatan ay dahil sa kwitis habang karamihan naman ng bagong kaso ay nagkapinsala sa mga mata dahil sa piccolo.

Samantala, sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center ay sampu ang nai-record na sugatan sa paputok hanggang nitong Jan. 1.

Kabilang sa mga sugatan, ani Dr. Wenceslao Llauderes ay naputulan ng daliri. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.