Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Sugo’ ni Pope Francis sa ‘Pinas dumating

0 264

Mainit na pagbati ang sinalubong ng Malacañang sa bagong apostolic nuncio ni Pope Francis sa Pilipinas na dumating nitong Linggo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Si Archbishop Charles John Brown ay sinalubong nina Bishop Pablo Virgilio David ng Caloocan City, vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Bishop Jesse Mercado ng Parañaque. Kasama ring sumalubong sa kanya ang ilang opisyal ng gobyerno at staff ng Apostolic Nunciature sa Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Itinalaga siya ni Pope Francis bilang apostolic nuncio sa Pilipinas noong Setyembre 28, 2020. Dati siyang apostolic nuncio sa Albania mula pa noong Marso 2017.

Nagpahayag naman ang Malacañang ng kahandaan na makipagtulungan sa bagong apostolic nuncio ng Santo Papa sa Pilipinas.

“We wish Archbishop Charles John Brown a productive and collaborative engagement not only with the Catholic community, but also with the Philippine government in enriching the Filipino nation’s faith and its dedication to collectively prosper,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.