Abante Tonite Interactive

Suho 1M ang follower sa 12 oras

0 80

tonite-annyeong-rose-garciaIbang klase talaga ang hukbo ng mga tagahanga ng mga sikat na South Korean boy group.

Finally, nag-open na rin ng kanyang official solo Instagram account ang isa sa mga miyembro ng EXO na si Suho. Si Suho ang singer, songwriter at leader ng grupo.
Bukod sa pagiging leader ng EXO, nagbida na rin ito sa iba’t ibang drama at pelikula.

Nasa news ng ilang Korean entertainment site na in 12 hours simula nang mag-open ng kanyang Instagram account at i-announce ito ni Suho, phenomenal talaga na nagkaroon na agad siya ng 1 million followers.

Ayon sa report ng soompi.com, “In less than 12 hours after this, Suho hit 1 million followers a little before 2 a.m. KST on December 6, making him the fastest confirmed EXO member to do so after revealing his account. This may also make him one of the fastest Instagram accounts to hit this milestone, but there are no official sources as of yet to confirm this.”

Tiningnan din namin ang IG account ni Suho na may IG account na @kimjuncotton at in more than one day, nasa 1.2 million na ang mga follower niya.

Hindi na kami magugulat kung sa loob lang siguro ng isang Linggo, aabot na ito ng ilang milyon pa. Matagal nang nire-request ng mga fan niya na katulad ng ibang miyembro ng EXO ay magkaroon na rin ito ng sariling IG account.

Pinag-usapan din ang choice of IG account ni Suho base sa tunay niyang pangalan na Kim Jun Myun. Sa Korea kasi, ang ibig sabihin ng “myun” ay cotton.
Sa ngayon, may comeback repackaged album ang EXO na “Love Shots.”