Abante Tonite Interactive

Suhulan isyu sa Speakership race ‘wag balewalain

298

Seryosong usapan ang isyu ng suhulan sa Speakership race kaya hinirit ng isang mambabatas na huwag itong basta balewalain ng House of Representatives sa halip ay dapat na resolbahin.

Tinuran ni Allianc­e of Concerned Teachers(ACT) Party-list Rep. Antonio Tinio ang hamon sa harap na rin ng nakatakdang pagpupulong ng PDP Laban members ngayong araw para talakayin kung sino ang ibobotong House Speaker gayundin ang inaasahang pagpapalabas ng desisyon ng Party-list Coalition ng kanilang susuportahang Speaker.

Ayon kay Tinio mainam na hindi lamang kung sino ang susuportahang House Speaker ang pag-usapan ng kundi maging kung sino ang nasa likod ng sinasabing suhulan para masungkit ang pwesto.

Matatandaan na una nang kinumpirma ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na may isang milyong piso na suhulan sa Speakership ship.

Mas umugong ang isyu ng vote buying sa Speakership matapos aminin ni 1 Pacman Party-list Rep. Mikee Romero na may isa sa kanilang miyembro ang nilapitan na at tinangkang suhulan gayundin ang rebelasyon ni Pampanga Rep. Dong Gonzales na aabot sa pitong milyong piso ang suhulan sa lalong umiinit na speakership race.