Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suicide bomber umatake sa Iraq, 28 todas

0 113

Binulabog ng dalawang suicide bombing ang isang palengke sa Baghdad, capital ng Iraq, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa inisyal na report, nasa 28 ang nasawi habang 73 pa ang sugatan.

Ito ang unang suicide attack sa Baghdad sa nakalipas na halos dalawang taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa paunang imbestigasyon sa insidente, pumasok ang unang bomber sa pamilihan, nagkunyaring may sakit at humingi ng tulong kaya naman pinagkumpulan siya ng mga tao. Sa tagpong ito niya pinasabog ang kanyang sarili.

Kasunod noon ang pagdating ng ikalawang bomber sa crime scene sakay ng motorsiklo saka naman pinasabog ang kanyang explosive vest.

Sa isang tweet sinabi ni Iraqi President Barham Salih na, “The twin terrorist bombings against the safe citizens of Baghdad at this time confirm the attempts and endeavors by dark groups to target the national needs and aspirations of the Iraqi people for a peaceful future.”

“We stand firmly against these rogue attempts to destabilize our country,” dagdag nito. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.