Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suicide gustong ipanood, FB site pumalag

0 51

Pinalagan ng social media site na Facebook ang hirit ng isang Frenchman na i-livestream ang pagpapakamatay nito.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Alain Cocq, 57, mula France, na gusto niyang i-broadcast sa Facebook ang kanyang pagpanaw. Ito ay para maiparamdam sa kanyang mga kababayan sa France kung gaano kahirap sa mga tulad niyang may malalang kapansanan ang kawalan ng batas na sumusuporta sa assisted suicide.

Si Cocq ay may malala at hindi na magamot na sakit kung saan nagdidikit-dikit ang walls ng kanyang arteries.

Nang tanggihan naman ni French President Emmanuel Macron ang hirit niyang euthanasia, tumigil na rin umano ang dayuhan sa pagkain at pag-inom ng gamot.

“I know the days ahead are going to be difficult but I have made my decision and I am calm,” sambit ng dayuhan na nagdesisyong ipalabas ang kanyang pagsu-suicide.

Nanindigan naman ang social media site na sa ilalim ng kanilang mga patakaran ay hindi

puwedeng ipanood ang pagpapakamatay ng isang tao.

“Our rules do not allow us to show suicide attempts,” diin ng tagapagsalita ng FB.

Leave A Reply

Your email address will not be published.