Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suicide hotline caller lumobo

0 167

Dumoble noong buwan ng Hulyo ang tawag sa Department of Health (DOH) crisis hotline ng National Center for Mental Health (NCHM) mula sa mga taong depress at nagbabalak na magpakamatay.

Nabatid na sa datos ng NCHM na umabot sa 115 tawag kaugnay sa suicide related ang natanggap ng hotline nitong Hulyo sa kasagsagan ng COVID 19.

Habang umabot naman sa 53 tawag hanggang nitong Agosto 15 mula sa mga taong nawawalan na ng pag- asa at gusto nang wakasan ang kanilang buhay.

Samantala nitong Hulyo ay mas lumala dahil doble ang natanggap ng NCMH crisis hotline.
Noong Mayo nakakatanggap umano ng 13-15 tawag kada araw na nag a-average sa 400 tawag kada buwan, pero nitong Hulyo ay nakatanggap ng 32-37 tawag kada araw o average na 876 calls ang crisis hotline.

Una nang nagpahayag ng pagkaaarma ang IATF national task force dahil sa pagtaas ng bilang ng mga taong nagpapakamatay.

Hiniling na rin ng pamahaaan ang tulong ng simbahan ay spiritual leader para magabayan ang mga taong dumaranas ng depresyon.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.