Abante Tonite Interactive

Suicide sa tulay naawat pero natuluyan sa bakery

101

Hindi na muling napigilan sa ikalawang beses na pagtatangka na magpakamatay ang isang baker na hinihinalang dumaranas ng matin­ding depresyon, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Jonathan­ Bautista, imbes­tigador ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Well Boy Jimaol, 32 at stay in sa Don Benito’s Cassava Cake sa 0929 Ibarra st., Sampaloc.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima sa pantry ng bakery alas-7:30 ng umaga, na nakabitin sa nylon cord.

Sa imbestigasyon, nalaman sa kasamahan sa trabaho na madalas na balisa at malalim ang iniisip ng biktima hanggang sa magtungo pa umano ito kamakalawa sa ibabaw ng Quezon Boulevard at naisipang tumalon pero agad nilang napigilan.

Noong Agosto 25 ay bigla na lamang umano itong umalis at iniwan ang trabaho na napag-alamang naglakad lamang patungo sa Baclaran at bumalik sa trabaho kinagabihan .

Iniimbestigahan pa ng pulisya sng dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.