Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suicide sa Zambo lumobo

0 108

Isinisi ni Zamboanga City Mayo Maria Isabelle Climaco-Salazar ang pagtaas ng kaso ng suicide sa lungsod dahil umano sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, ipinag-utos ni Salazar kay Dr. Dulce Amor Miravite, City Health Office chief, at City Social Welfare officer Socorro Rojas na pag-aralan ang pagpapatibay ng mental helath program ng lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa datos ng pulisya, mula Enero 1 hanggang kasalukuyan ay 10 katao na ang naiulat na nagpapakamatay.

Bukod dito ay sinabihan din ng alkalde ang Department of Education na tingnan kung paano matutulungan ang mga estudyante sa online learning para hindi ma-stress ang mga ito.

Pinayuhan din ni Salazar ang mga magulang ng mga estudyante na gabayan ang kanilang mga anak upang hindi ma-depress na minsan ay nauuwi sa pagpapakamatay. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.