Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suicide sumirit sa Pangasinan

0 228

NAALARMA ang hanay ng Pangasinan Police Office (PPO) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mga nagpapakamatay ngayong unang quarter ng taon sa buong Pangasinan.

Ayon kay PPO spokesperson P/Maj. Arturo Melchor Jr., ito ay kasabay na rin ng sunod-sunod na bilang ng nagsu-suicide lalo na ngayong kasagsagan pa rin ng pandemya.

Sinabi ng opisyal, base na rin sa kanilang talaan, nasa 16 na ang bilang ng suicide incidents sa probinsya mula Enero hanggang unang linggo pa lamang ng Marso ngayong taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Mechor Jr., na base sa kanilang obserbasyon, mas marami pa umanong namamatay dahil sa suicide kaysa COVID-19 sa nasabing lalawigan.

Noong nakaraang taon lamang aniya ay umabot sa kabuuang 93 kaso ng suicide ang naitala ng PPO. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.