Abante Tonite Interactive

Suklay Diva, wagi ang paandar

By
GARY V, bongga ang videoke party
8

MASAYA ang naisip ni Gary Valenciano na sa halip na the usual thanksgiving presscon para sa kanyang 34th showbiz anniversary ay nagpa-videoke party siya for the showbiz press.

Bago siya nakipag-awit-awitan kasama ang ilang talented members of the press ay ipinakilala muna ni Gary ang mahuhusay na guests niya sa ‘season finale’ ng kanyang matagumpay na Gary V Presents… concert series.

Napanood namin sa Kia Theatre ang concert na ito ni Gary, na ang objective ay mag-provide ng mainstream platform sa mga ­artist na personal niyang pinili at naniniwala siyang karapat-dapat i-showcase ang mga pambihirang talento.

In all fainess ay na-impress ang press sa tatlong alumni ng The Voice of the Philippines na sina Janice Javier, RJ dela Fuente at Tim Pavino.

Wagi rin ang paandar ng Suklay Diva na si Katrina Valerde na produkto ng The X-Factor Philippines katulad din ni Allan Silonga ng all-male vocal group na Daddy’s Home.

Applauded ang classical-pop singer na si Lara Maigue ng PhilPop na bumanat ng Sa Kabukiran in her operatic voice. Miss Saigon levels ang pag-awit ng I’d Give My Life for You ng dating nag-Kim sa London na si Carla Guevara-Laforteza.

Iba-iba ang music genre ng mga guest ni Gary at may sari-sarili silang istilo ng pagkanta kaya ang sarap nilang panoorin at pakinggan.

Hindi siyempre nagpakabog si Mr. Pure ­Energy na bigay na bigay ang pag-awit ng ‘Wag Ka Nang Umiyak, ang theme song ng Ang ­Probinsyano na ­ginawan ng sandamakmak na ­funny memes online.

Tapos ay humataw nang sayaw si Gary habang binabanatan ang kanyang famous dance hits.
Bale fifth and final staging na ng Gary V Presents… at ito raw ang pinakamalaki at pinakabongga kaya bet ulit naming manood nito.

Natuwa ang mga taga-The Theatre at Solaire na finally ay magsu-show na sa kanila si Mr. Pure Energy.

Dito mapapanood ang GVP sa Mayo 12, 13, 19 at 20.

Para sa tickets sa Gary V Presents…, ­tumawag sa TicketWorld (891-9999) o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.