Abante Tonite Interactive

Suko na sa sakit, lolo nagbaril sa ulo

304

“Kaya ko nagawa ito hindi ko na kayang tiisin ang pagsakit ng ulo ko.

Goodbye mga mahal ko.”

Ito ang nakasulat sa suicide note na nasa tabi ni Justiniano, taga-Baesa, QC, sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sentido.

Nakita din sa ibabaw ng kanyang kama ang caliber 22 na baril na ginamit nito sa pagpapakamatay.

Kuwento ng kanyang anak, bandang alas-5:30 nang hapon, pinuntahan niya sa kuwarto ang ama para painumin ng gamot.

Laking gulat nito nang makitang nakahandusay sa kama, duguan at walang malay ang tatay.

Agad namang isinugod sa Quezon City General Hospital ang ama pero dead on arrival na ito.

Ayon sa pamilya, wala daw silang narinig na putok ng baril kaya hindi nila alam na nagpakamatay ang ama.

Alumpihit daw at nagsisigaw sa sobrang sakit si Justiniano kapag kumikirot ang kanyang ulo.

(Orlan Linde)