Abante Tonite Interactive

Sulat ni B.T.S. V sa musmos big deal

By
4,298

Sa libo-libong fan mails na natatanggap ng mga Korean idol mapa-snail mail o sa pamamagitan ng internet, hindi nakapagtatakang maging big deal lalo na sa mga K-pop fan ang mapansin ng mga idol ang partikular na fan mail.

Lalo na kung ang magre-response pa rito ay isa sa miyembro ng pinaka-sikat na South Korean boy band na B.T.S. Sa pitong miyem­bro ng B.T.S., may mga kanya-kanyang iniidolo rin ang mga fan na individual member. Isa si B.T.S. V o ang vocalist na si Kim Tae-hyung sa may maraming tagahanga.

Mas lalo pa itong nadagdagan nang mag-debut siya bilang actor sa Korean drama ng KBS2 na ‘Hwarang’.

Naging viral ang heartwarming letter ng isang 9-year-old na fan ni BTS V at sa maikling sulat niya, sinabi ng bata kung paano isang kaibigan ang turing niya sa idolo. Dahil naging viral ang handwritten letter na ito ng batang fan niya na nagngangalang Yoon Jihoo, umabot ito sa atensiyon ni V at sinagot ang letter ng 9-year-old fan niya sa pamamagitan ng handwritten letter rin at saka niya ipinost sa Twitter.

“To Taehyung hyung. Hello, my name is Yoon Jihoo and I am 9 years old. I’m hyung’s fan. I like other hyungs as well but I like you more. I didn’t have any friends. I was a fool who couldn’t talk whenever people looked at me.

When I go to school, I play alone in the hallway before going back into classrooms. To a person like that, my mom introduced me to hyungs (BTS). I listened to your music, watched ‘Run BTS!’, and danced along as well. I was no longer alone but instead found a friend. Thank you for being my friend. I’ll write to you again next time since my arms getting tired. Goodbye.”

Ang naging response naman ni BTS V na lumabas sa ilang entertainment online site sa Korea tulad ng soompi at allkpop, “Hi Jihoo, it’s V hyung. Thank you so much for liking us, listening to our music, watching ‘Run BTS!’, and dancing to our songs. From now on, I’m your friend as well so let’s meet in the future as you stay healthy and live each and every single day happily. Since my arms getting tired, I’ll write to you again later. Bye.”

Sa ngayon, ang BTS ang isa sa may milyong fans na mga bata hanggang teen­ager na kunsaan, napakalaki ng impluwensiya at naibibi­gay nilang inspirasyon sa mga tagahanga nila.