Abante Tonite Interactive

Sulli pabor sa abortion

0 239

Nag-rejoice si Choi Jin-ri (Sulli) dahil posibleng ma-lift na ang pagba-ban o Anti-Abortion Law sa bansang South Korea.

Noong April 11, na-rule ng Constitutional Court na ang batas na anti-abortion ay unconstitutional.

Yes, nag-express agad ng kanyang kasiyahan ang singer/actress kung sakaling hindi na magiging batas sa kanila ang anti-abortion. Hindi na rin masesentensyahan ang babae at doktor na mahuhuling gagawa nito. Punishable hanggang dalawang taon ang sino mang magkasala nito.

Abante Hiring – IT dep

Nag-post sa kanyang Instagram account si Sulli ng la­rawan ng isang purple flower. Sinundan niya ito ng caption na, “#2019_4_11_abortion crime abolished. It’s an honorable day! Give choice to all women.”

Obvious kung ano ang ipinaglalaban ni Sulli sa caption niya. Gusto nitong mabigyan ng pagkakataon ang isang babae ‘pag type nitong ituloy ang pagbubuntis o ipatanggal ang nasa sinapupunan, huh.

Pero dinidinig pa lang din naman ito sa ngayon kung ibi-break na nga ang 66 taong law of anti-abortion. ‘Pag sakaling i-revise ng The National Assembly ang abortion law by December 31, 2020, ang current law pa muna ang susundin hangga’t maging legal ang binago dito.

May exemption naman sa abortion. Ilan sa mga ito ay cases ng rape at incest.

Pati na rin ang pagbubuntis na maaaring maapektuhan ang health ng ina.

Si Sulli ay dating miyembro ng all-girl group na f/x. May netizen na nagkomento na mula raw nang umalis ito sa grupo nila ay mas naging carefree na.

May naki-ayon sa post o stand ni Sulli. Sabi ng isang comment, “I like her. She is who she is, doesn’t hide it but owns it.”

Pero sabi naman ng isang netizen, “How is killing babies intellectual????? Its evil and barbaric.”