Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sulu lockdown arangkada

0 50

Simula ngayon, Enero 4 ay muling magpapatupad ng lockdown ang buong lalawigan ng Sulu upang mapigilang makapasok ang bago at mapaminsalang variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Sulu Governor Abdusakur Tan, ang lockdown ay ipapatupad mula Enero 4 hanggang 17, 2021 upang mapag-ingat ang kanilang mamamayan sa bagong variant ng COVID-19 na namataan sa bansang Malaysia kung saan tawid dagat at napakalapit lang nito sa Pilipinas.

“Extendable po iyan, (Enero 4-17, 2021) depende po sa sitwasyon. At alam iyan ng ating mga kababayan dito na ito ay para sa kanila,” pahayag ni Tan sa isang panayam.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa kay Tan, tanging ang mga pulis at mga sundalo lamang na nakatalaga doon na lumabas nitong Kapaskuhan ang pwedeng muling makapasok.

“Dapat magpa-swab sila” paniguro nito.

Paliwanag pa ng gobernador, kulang ang kanilang pasilidad at mga ospital upang matugunan ang posibleng dagsa ng mga tatamaan ng nasabing virus kaya’t ginawa nila ang gayung pag-iingat.

“Yung sa Maynila nag-iingat, nandyan na lahat ng hospital, mga doktor, dito sa amin ang hospital namin ay mahina lang, wala pa kaming gamit so, ‘yan yung iniingatan namin, kailangan namin ay talagang preventive,” dagdag pa ng gobernador. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.