Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sulu twin blast ganti sa inarestong Sayyaf leader

0 232

Naniniwala ang isang terrorism research expert na malaki ang posibilidad na kaya binomba ang Jolo, Sulu ay dahil sa pag-aresto sa lider ng Abu Sayyaf na si Anduljihad Susukan.

Ayon kay Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research chair Rommel Banlaoi, malinaw na madidikit sa Abu Sayyaf terrorist group ang nangyaring pagpapasabog na kumitil sa buhay ng 15 katao, at kinasugat ng lampas 70.

“Based on the documents I have, magkakaugnay ‘yan kasi iyang si Susukan ay main operative ng Abu Sayyaf sa mga kidnap for ransom, bombing operations nila,” lahad ni Banlaoi sa panayam sa radyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, hindi na kailangang maglabas ng pahayag ng ISIS na sila ang may pakana ng naturang pagsabog dahil sila lang umano ang gumagamit ng babaeng suicide bomber.

“Hindi na kailangan ng official na statement ng ISIS kasi iyong vehicle born IED, iyong female suicide bombing, isa lang ‘yan, ISIS-inspired groups tulad ng Abu-Sayyaf,” lahad pa ng eksperto.

Matatandaan na naaresto si Susukan sa Davao sa bahay ng communist leader na si Nur Misuari noong Agosto 13. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.