Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sulu twin bombing inako ng ISIS

0 185

INAAKO ng Islamic State militants ang responsibilidad sa magkasunod na pagpapasabog sa Jolo, Sulu na pumatay ng 15-katao kabilang ang suicide bomber nitong Lunes.

Habang sinisilip ng mga imbestigador at Philippine Army ang Abu Sayyaf na posibleng may kinalaman sa pagsabog, sinabi naman ng SITE Intelligence, isang US based group na nag-momonitor sa online communications sa Muslim militant groups, na ang IS East Asia province ay nagpalabas ng pahayag na siyang umaako sa karumal-dumal na pagsabog.

Sinabi din ng SITE na ang IS supporters sa buong mundo ay nagdiwang sa isinagawa nilang pagpapasabog.

Hindi bababa sa 15 katao kabilang ang suicide bomber ang napatay sa magkasunod na pagsabog.

Sa 75 kataong nasugatan, 48 dito ay sibilyan.

Sinabi ni Rommel Banlaoi, pinuno ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research, na ang babaeng bomber ay Indonesian national.

“We suspect the female bomber was the daughter of the suicide bomber who perpetrated the Jolo cathedral bombing last year,” sinabi ni Banlaoi.

“The Cathedral bombing happened recently, and they are very familiar with the area. They’d known when to launch the attack,” dagdag nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.