Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumablay sa pag-aresto, 2 pulis bumaba ranggo

0 97

Demosyon ang natanggap ng dalawang pulis sa Quezon City dahil sa kasong grave misconduct.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bumaba ng isang ranggo sina Patrolman Zaldy Mejos Jr at Julie Boison ayon sa desisyon ng People’s Law Enforcement Board District 1.

Ito’y matapos halughugin ng dalawa ang bahay ng isang Marissa Torres kahit pa walang warrant of arrest na inisyu ang korte.

Paliwanag naman ng dalawang pulis, nakatanggap sila ng reklamo habang rumoronda kung saan may dala umanong baril si Torres.

Nakita umano sa sari-sari store ni Torres ang nozzle ng isang baril, ngunit depensa naman ng babae ay tinaniman siya ng ebidensya.

Dahil sa warrantless arrest na ginawa ng dalawa kaya pinataw ang demosyon. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.