Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumabog na chopper: 1 sa 4 patay kinilala na

0 96

KINILALA na ng Armed Forces of the Philippines ang isa sa apat na sakay ng military chopper na bumagsak at nasunog sa Basilan.

Sa report na natanggap ng AFP, sinabi nito na ang namatay ay si Airman 2nd Class Benedicto Leal Jr.

Hindi pa makilala ang ibang kasama niya.

Sa paunang report sa Armed Forces of the Philippines, ang Philippine Air Force 505 Search and Rescue, na may tail number 202, ay bumagsak sa Barangay Upper Manggas sa Lantawan town. Nangyari ito ng 1:10 ng tanghali ng Miyerkules.

Sinabi naman ni Maluso Mayor Hanie Bud na bumagsak ang helicopter sa boundary ng Lantawan at Maluso. Nagmula ito sa Zamboanga City at hindi pa alam kung saan papunta nang mangyari ang insidente.

Sa gitna din ito ng isang rubber plantation ni Lantawan, Basilan Vice Mayor Nasser Abubakar nag-crash.

Bumagsak ito sanhi ng malakas na hangin at ulan sa himpapawid. Pagbagsak ay sumabog.

Patuloy ang retrieval operations sa pangunguna ni Col. Rodrigo Maramo. Target na makuha sa lalong madaling panahon ang labi ng mga namatay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.