Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumagaysay umayuda sa Rizal

0 227

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang tamaan ng malakas na bagyo ang bansa pero marami pa rin ang nagpapadala ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Isa rito si Sipkers Turf player Jayvee Sumagaysay ng Philippine Long Distance Telephone Company Home Fibr Power Hitters na to the rescue sa mga nasalanta ng kalamidad sa Rizal.

Mismong ang ang 6-foot-1 middle blocker nagpunta sa San Mateo at Montalban para ipadala ang tulong sa mga tao.
Makikita sa post Lunes ng player na hindi pa tuluyang nakakaahon ang mga nasalanta sa lalawigan. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.