Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumakit tagiliran sa pagmomotor

0 153

Kung minsan, kapag hindi natin makita ang inaasahan natin, binabalewala na lang ang iba at hindi na pinapansin ang mga posibilidad. Hinahayaan na lamang ang kalagayan at nagbabakasakaling mawala ang nararamdaman. Ganito ang nangyari sa ating tagasubaybay. Ang tanong nya sa atin, wala naman daw bali o fracture sa resulta ng kaniyang x ray na nagawa dahil natamaan ang dibdib nya ng bumagsak ang kanyang motorsiklo. May pananakit na nababawasan naman ngunit biglang tumindi makailang araw at nang magpatingin muli ay bali ang kanyang tadyang at pinapahinga ng matagal na panahon ng kaniyang doktor. “Bakit ako nabalian, kaunting byahe sa motor lamang ang ginawa ko at biglang tumindi ang sakit ng tagiliran ko?”

Nagkaroon tayo ng pagkakataong makipagugnayan sa kaniya. Ang unang kinailangang alamin ay kung ano ang nakita sa xray na nagawa. Sa ating pagsusuri, basta lamang nagpagawa ng xray nang hindi kumunsulta sa doktor. Ang unang xray ay mayroong nakitang suspicious incomplete fracture. Dahil sa inaakalang ok lang dahil sa hindi nakasulat ang fracture, suspicious lamang at incomplete lang ay binalewala niya ito. pinagpatuloy ang pang araw araw na trabaho at pagmaneho ng motorsiklo. Pinagbintangan ang pagod sa kirot na nararamdaman. Ang mahirap sa kalagayan na ganito, ay maaaring mabawasan ang mararamdamang kirot dahil mababawasan ang pamamaga. Ngunit kahit incomplete ang fracture, bali pa din ito at may pagkakataong tuluyan mabali o maging complete fracture. Ilang linggo ang kinakailangan para magumpisa man lang ang pagtubo ng bagong buto, at mas matagal pa para makuha ang tibay na ninanais mangyari, kung kaya sa simula pa lang, kung nakapagkonsulta ng mabuti, ay ipinahinga na dapat ito. Ang pinaka nakakatakot na mangyari ay maliban sa tuluyang nabali ang tadyang, maaari itong makatusok at makasugat ng baga at magkaroon ng mga kumplikasyon tulad ng magkaroon ng hangin o dugo sa labas ng baga at mahirapang huminga.

Ang mapupulot natin sa pagkakataong ito ay sa kahit anumang aksidente ay huwag balewalain ang mga sintomas na mararamdaman. Dahil dito ay kinakailangan magpatingin sa doktor at huwag basta basta magpagawa ng kung anuman ng walang payo. At kung sakaling hindi makita ng mga inaasahan ay hindi ibig sabihin ay ok na. Kung pababayaan nain ang ating katawan dahil sa hindi natin ito pinapansin o iniintindi, ihanda natin ito sa mga kumplikasyon. Kung ayaw naman, ay sumunod sa payo ng inyong doktor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA              profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists.  Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.