Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumemplang sa Edsa, rider todas

0 94

Todas ang isang rider matapos mawalan ng kontrol sa minamaneho nitong motorsiklo at sumemplang sa Edsa, Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Traffic Sector 4 commander P/Major Marlon Meman, ang namatay na si Christian Moriel Santos, 25, taga-Blk 14 Lot 3 SMCHOA Sitio 5 Catmon, Malabon City.

Sa imbestigasyon ni Patrolman Kervin Villa, ika-7:30 ng gabi (February 26) nang mangyari ang aksidente sa kanto ng Mother Ignacia Avenue at Eugenio Lopez Jr. drive sa Brgy South Triangle Edsa, sa lungsod.

Lulan ng Yamaha motorcycle sniper ang biktima nang mawalan ito ng kontrol at sumemplang ang motorsiklo nito.

Nagtamo ng grabeng pinsala si Santos sa katawan at ulo na sanhi ng agaran nitong kamatayan. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.