Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumemplang sa poste, totoy nakuryente

0 88

Pumanaw ang limang taong gulang na lalaki sa Culaba, Biliran matapos itong makuryente habang nagbibisikleta.

Kinilala ang bata na si John Javier Dimalaluan, 5.

Batay sa imbestigasyon, base na rin sa naunang ulat, nasa kasagsagan ng pagbibisikleta ang totoy nang aksidente itong matumba at tumama sa poste ng kuryente.

Grounded ang naturang poste dahil sa nabalatang live wire na nakakabit doon, kung saan napadikit ang paslit kaya dumaloy ang kuryente sa katawan nito.

Sinugod si Javier sa ospital ngunit dineklara siyang dead on arrival. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.