Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumingit sa vaccination site, tensiyon sumiklab

0 280

Nagkaroon ng tensiyon sa COVID-19 vaccination site sa may Sta. Ana Elementary School dahil sa pagtatalo ng residente na sumisingit sa pila, kahapon ng hapon sa Maynila.

Pasado alas-4:00 ng hapon, nang maganap ang insidente dahil hindi na nakatiis ang ilan sa mga nakapila sa mga nakitang sumisingit.

Gayunman, pinauwi na muna ang mga nakapila dahil naubos na ang 1,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine na nakalaan sa nasabing bakunahan.

Upang maiwasan naman ang tensiyon at singitan sa pila, nagpasya ang lokal na pamahalaan ng Maynila na wala nang walk-in na tatanggapin sa mga coronavirus vaccination center. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.