Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumipsip ng diesel kalaboso

0 111

Swak sa piitan ang 27-anyos na binata maaktuhang humihigop ng diesel sa nakaparadang sasakyan sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Kinilala ang dinakip na si Clinton Diaz, 27. Sa report, alas-10:00 ng gabi nang mamataan ng mga nagpapatrulyang mga tanod ang suspek na hinihigop ang diesel ng nakaparadang elf Isuzu truck sa parking Lot na matatagpuan Quirino Highway.

Nang sitahin ang suspek ay tinangka pa nitong tumakas subalit agad itong dinakma ng mga barangay tanod at binitbit sa himpilan ng pulisya. Narekober sa suspek ang walong galon gayundin ang hose na gamit nito sa paghigop ng diesel. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.