Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumisid na senglot, tigok

0 31

HINIHINALANG dahil sa kalasingan kaya nalunod ang isang company worker na natagpuang wala ng buhay sa ilalim ng 8-pulgadang lalim na pool sa isang resort sa Indang, Cavite Sabado ng hapon.

Isinugod pa sa MV Santiago Hospital ang biktimang si Kit Adrian Gabi y Maasim, 40, binata, taga-Brgy Osorio, Trece Martires City, Cavite subalit idineklara nang dead on arrival.

Sa ulat ni PCMSgt Arnel Julian, ng Indang Police Station, huling nakitang buhay ang biktima habang nakikipag-inuman sa mga katrabaho sa Villa Feliciana Resort sa Brgy Alulod, Indang, Cavite.

Alas-12:15 kamakalawa ng hapon nang hanapin siya hanggang sa makita na lang ng mga kasamahan sa ilalim ng pool na wala nang malay.

Inaalam din ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.