Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumisirit virus: 536 LRT, MRT, PNR worker positibo

0 168

Tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa hanay ng mga manggagawa sa Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR).

Base sa ulat ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes, nasa 3,117 rail worker na o 41.70% ng mga nagtatrabaho sa LRT, MRT at PNR sa National Capital Region ang sumailalim na sa COVID test.

Sa ngayon umano ay umabot na sa 536 ang nagpositibo sa virus o 17.20% ng mga manggagawang na-test sa COVID.

Nabatid na 629 mula sa 1,185 manggagawa ng LRT-1 ang sinailalim sa virus test at 117 ang nalaman na positibo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa LRT-2, 577 mula sa 1,277 manggagawa ang sinalang sa COVID test at 147 ang nagpositibo.

Sa MRT-3 naman ay 874 mula sa 3,284 kagawani ang sinuri at 118 sa kanila ang virus infected.

Habang sa PNR ay 154 ang nadale ng COVID sa 1,037 manggagawang sinailalim sa virus test.

Nitong Miyerkoles ay iniulat ng DOTr na nasa 522 ang COVID positive mula sa 2,821 rail worker na sinalang sa virus test noong Martes. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.