Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumisita kontra pasaway bawal pumasok sa bahay – Sinas

0 221

Pinaalala ni Philippine National Police (PNP) General Debold Sinas na hindi maaaring pumasok ang mga pulis sa mga bahay para magpatupad ng health protocol ngayong Kapaskuhan.

Siniguro ni Sinas na payapang makakapagdiwang ang mga pamilya nang hindi iniistorbo ng kapulisan kung hindi naman lalabag sa health protocol.

SM food to go Banner Ad

“If you are at home practicing social distancing, dinner, or a few drinks, alam lahat ng pulis ‘yun na hindi kami mag-barge in kasi trespassing ‘yun lang kasi kapag nagpapatugtog ka nang malakas diyan na ingayan ‘yung mga kapitbahay niyo at may magreklamo tapos violation sa specific na city o municipal ordinance ay ibang usapan din ‘yun,” pahayag ni Sinas.

Dagdag pa ng opisyal, tanging ang pasimuno ng pasaway na mass gathering ang kanilang aarestuhin.

“Only the leaders because you see, if there are 50 or 100 of them, we do not have a big place or we still have to arrange a venue where they would be placed. Our guidance is to disperse them, get the leaders of the group and let them explain we invite them to the police station so that they can explain, they are responsible if there are any violations,” paliwanag ng opisyal. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.