Abante Tonite Interactive

Summer jobs ready na!

By
8

Dahil bakasyon na ang mga estudyante, oras na rin para ­samantalahin ang inaalok na summer jobs ng pamahalaan lalo na sa mga kapos ang ­panustos sa kanilang pag-aaral kabilang na mga out-of-school youth.

Sa pamamagitan ni Senador Sonny ­Angara ay hinimok nito ang mga estudyante partikular ang kabataang ­tumigil sa pag-aaral (out-of-school youth) na samantalahin ang pagkakataong mapabilang sa Special ­Program for the Employment of Students (SPES) upang sa gayong makatulong din sa kanilang pagsisikap na mapag-ipunan ang pag-aaral.

“Higit na nanganga­ilangan ng tulong ang ating mga out-of-school youth para ­makabalik sa pag-aaral. ­Pinalawak ­natin ang sakop ng ­batas ­para mas ­mabigyan ­sila ng oportunidad na mag-apply sa ­trabaho ­para kumita at matustusan ang kanilang ­pagbabalik-eskuwela,” ayon kay Angara, may akda ng SPES law.

Abante Hiring – IT dep

Nakapaloob sa batas na tanggaping pansaman­talang empleyado ng mga kumpanya ang mga ­estudyante sa mga panahong bakasyon ang mga ito tulad ng summer at Christmas vacations.

Kuwalipikadong edad ang mula ng 15-30 ­taong gulang at maari silang magtrabaho sa loob ng 78 araw.

Sa naturang batas, 60 porsiyento ng kabuuang sahod ng SPES beneficiary ay sasagutin ng kanyang pinapasukang kumpanya, habang ang ­nalalabing 40 porsiyento ay babayaran naman ng gobyerno nang cash.

Naglaan ang Department of Labor and Employment ng tinatayang P798 million para sa employment nang tinatayang 120,000 students at out-of-school youth ngayong summer break.