Abante Tonite Interactive

Summer penis atbp

560

Dear Dra Holmes:

Ano po yung summer penis? At totoo po bang puedeng iplantsa ang balls ng lalake? Hindi po sobrng sakit nun? Bobby

Dear Bobby:
Maraming Salamat sa sulat mo. Sa katotohan lang, ang ‘summer peni’ ay mas nahahalata ng mga tao na nasa bansa na may winter (super lamig) at summer (lalo na kung sobrang init). Para sa ating mga Pinoy, hindi ito isyu talaga.

May mga lalaki sa Amerika na tinawag itong summer penis. Nahalata nila na kapag summer (kagaya ngayon sa Amerika—diba, sa atin, mas mainit ang Abril at Mayo?) lumalaki raw ang ari nila at kapag winter, lumillit ito.

Ayon sa mga manggagamot, lalo na ang mga urologists (na ang pagdadalubhasa ay ang sistemang reproductive ng mga lalaki), ang mga ari ng mga la­laki ay puwedeng ‘lumiit”’ nang hanggang isang pulgada.

Eto ay parang ang mga supot ng lalaki na nagtatago ng kaniyang 2 itlog (na gumagawa ng semilya niya para magkaanak siya) na bumababa kapag sobrang init ng panahon. Makukuha rin ito kapag ang lalaki ay naligo sa mainit na tubig.

Kapag malamig kasi, ang mga daluyan ng dugo ay lumiliit para manatili ang temperature ng mga ari nila. Dahil lumiliit ang mga daluyan ng dugo, tila lumiliit din ang buong ari ng mga lalaki.

Pero sana huwag kayong mag-alala, dahil kapag uminit na—kagaya nga­yon na ayon sa weather station ay 33 degrees habang sinusulat ko ito, lumaki ng isang pulgada ang mga ari ninyo pero ito ay mangyayari lang kung lumiit ito nang isang pulgada kapag malamig. Sa madaling salita, hindi talaga lumalaki o lumiliit ang mga ari ng mga lalaki, nakikibagay lang sila sa temperature ng panahon.

Malamang ang mga super conscious na mga lalaki ay mas sisiguraduhin na makikita lang ng mga partner nila ang mga ari nila kapag mainit ang panahon, pero super OA naman ‘yun, ‘di ba, Robert? Ingat—MG Holmes Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.
Attachments area