Abante Tonite Interactive

Summit One Tower sa Mandaluyong nasunog

180

Tinupok ng apoy ang bahagi ng 17th floor ng Summit One Tower sa Barangay Wack-Wack, Shaw Blvd., Mandaluyong City, Sabado ng gabi.

Sa paunang pagsisiyasat ng Mandaluyong Fire Bureau, posibleng aircon mula sa isang unit ang pinagmulan ng sunog, ngunit patuloy pa ang imbestigasyon hinggil dito.

Nagsimula ang pagsiklab ng apoy alas-6:40 ng gabi at naapula dakong alas-7:11 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog habang inaalam pa ang danyos ng pagkakasunog. (Vick Aquino)