Abante Tonite Interactive

Sumpa ng Columbian tagpas kay Nambatac

300

Sa nakalipas na apat na conference ng PBA, kontra-pelo ng Rain or Shine ang Columbian.

‘Di manalo ang Elasto Painters sa Dyip.

Hanggang dumating ang game-winner ni Rey Nambatac nitong Linggo sa Batangas City Coliseum.

Bumitaw si Nambatac sa harap ng mahabang galamay ni Lester Prosper, sa final 2 seconds ng overtime ay nag-fumble ang inbounds ng Columbian, at naitakas ng Painters ang 88-86 win.

Angat ang Rain or Shine sa 3-3 sa PBA Commissioner’s Cup, nabaon sa 1-6 ang Dyip.

“It’s finally nice to get a win against Columbian,” bulalas ni RoS coach Caloy Garcia. “We lost for the last four conferences against them. I told my players the only motivation they can get is to win today’s game.”
Nagsumite si Denzel Bowles ng triple-double na 29 points, 14 rebounds at 10 assists para pangunahan ang E-Painters. Tumapos si Nambatac ng 10, tulad din ng produksiyon ni Jewel Ponferrada.

Nabigyan ng 39 attempts sa free throw line ang Rain or Shine pero sumablay sa 20, 14 dito kay Bowles.

May 26 points at 15 rebounds si Prosper, umayuda ng 15 si Rashawn McCarty kabilang ang kuwestiyonableng 3-pointer na nagbuhol sa iskor sa 81-81 sa dulo ng regulation na nagpuwersa ng OT. (Vladi Eduarte)