Abante Tonite Interactive

Sumpa ng Meralco tutuldukan ni James

0 328

STANDINGS
TEAMS W L
TNT 9 1
NorthPort 8 2
Blackwater 6 4
Ginebra 6 4
Rain or Shine 5 5
Magnolia 5 5
San Miguel 4 5
Phoenix Pulse 4 6
Alaska 4 6
Meralco 3 6
Columbian 3 7
NLEX 2 8

Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome, Pasay)
4:30pm — Phoenix Pulse vs. NLEX
7:00pm — Meralco vs. NorthPort

Sigurado na ang NorthPort sa top two finish at twice-to-beat bonus sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup, naghahabol naman ng panalo ang Meralco para gumitgit sa top eight.

Nasa No. 2 sa kasalukuyan ang Batang Pier sa 8-2 sa likod ng 9-1 TNT, wala nang aabot ng 8 wins sa mga nasa ilalim nila.

Ang Bolts ay nakatengga sa 10th sa 3-6, nasa labas ng magic 8 sa ibaba ng parehong 4-6 na Phoenix at Alaska na magkabuhol sa 8th-9th.

Para makasigurong uusad, kailangang ipanalo ng Meralco ang huling dalawang laro – kontra NorthPort mamayang alas-siyete nang gabi at San Miguel sa Miyerkoles – bago umasang ‘di na manalo ang Fuel Masters at Aces.

Apat na sunod na talo na ang Bolts, huli sa Magnolia Pambansang Manok, 99-88.

Nagparada ng bagong import ang Meralco sa huling laro, si Delroy James, may 34 points pero naka-10 rebounds lang.

June 29 pa huling lumaro ang Bolts, inaasahang nahasa na ni coach Norman Black ang kanyang hukbo para sa must-win game ngayong Biyernes.
Posibleng upuan ng Batang Pier ang top seeding kapag nanalo sa second game sa Cuneta Astrodome.

Problema ng NorthPort kung makakalaro na si top player Sean Anthony na (ankle injury) at Paolo Taha (groin strain) na wala nang takasan ng Batang Pier ang Columbian Dyip 110-108 noong July 3. Nasa injury list din sina Jonathan Grey at Bradwyn Guinto.

Sinabi ni NorthPort coach Pido Jarencio na nananakit din ang paa ng kanyang rookie na si Robert Bolick, pero inaasahang nakarekober na sa higit isang linggong pahinga. (Vladi Eduarte)