Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumuko sa online class nag-suicide

0 105

NAALARMA ang Kabataan Party-list group sa ikatlong kaso ng suicide na naitala na may kaugnayan sa blended learning.

Ito ay matapos mapaulat ang pagkitil sa sariling buhay ng isang 21-anyos na dalaga sa lungsod ng Iriga.

Sa report Iriga City PNP, hatinggabi nang matagpuang wala nang buhay ang dalaga.

Ngunit ito natagpuang patay, hatinggabi ay pumunta pa ang dalaga sa palikuran. Kasunod noon ay nakarinig na ang pamilya ng kalabog hanggang sa mabungaran nilang patay na ang biktima.

Hindi na idinetalye pa ang pamamaraan ng biktima sa pagsu-suicide, alinsunod na rin sa guidelines ng World Health Organization (WHO) upang hindi makapagbigay ng ideya sa mga may parehong kaisipan.

Walang alam na dahilan ang magulang ng biktima sa ginawa nitong pagpapakamatay maliban sa nahihirapan umano ito sa kanyang online learning. Ang online at blended classes ay isinasagawa ngayon ng CHED’s at DepEd bunsod na rin sa pandemya.

Nabatid din na bukod sa pinoproblema ng dalaga ang gadget na ginagamit sa online class, ay nahihirapan din ito sa signal at internet connection sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy sa katawan ng biktima.

Napag-alaman na simula Enero hanggang Agosto ay nakapagtala ng 34 na suicide incidents ang Camarines Sur Police Porvincial Office.

Leave A Reply

Your email address will not be published.