Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sumuko sa tokhang balik pagtutulak, todas

0 94

Nagwakas ang buhay ng isang tulak ng droga na dating drug surrenderee matapos na mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Barangay Tulo sa Taal, Batangas, Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat ni Batangas Police provincial director P/Col. Rex Arwin Malimban pasado alas-siyete ng gabi nang ikasa operasyon laban sa suspek na si Joseph Anthony Palo alyas ‘Joan’. Subalit nauwi sa barilan ng putok ang operasyon matapos magtangka itong manlaban sa mga awtoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Narekober mula sa suspek ang isang maiksing baril at ilang bulto ng shabu na may timbang na tatlong gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P20,000.

Ayon kay Malimban, dating tokhang surrenderee ang suspek subalit nagbalik sa pagtutulak ng droga kaya muling naging target ng operasyon ng mga awtoridad. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.