Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sun Life Triathlon sa Bohol

0 66

Naghahanda ang mga triathlete na masubukang muli ang kanilang mga kakayahan gaya sa Olympics kapag umarangkada ang Sun Life 5150 Triathlon Bohol sa Hulyo 10 sa Bellevue Resort sa Panglao Island.

Mahigit 500 ang inaasahang sasabak sa unang multi-sport event sa post-pandemic kung saan tiniyak ng host province ang kaligtasan at tagumpay ng Olympic (1.5 km-swim, 40 km-bike and 10 km run) at Sprint distances sa lugar na isa magarang pagdausan ng nasabing sport.

“Bohol has been a host venue for triathlon events the past decade and we have been in coordination with local authorities to help guarantee the safe conduct of the event,” bulalas Miyerkoles ni IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. general manager Princess Galura na mag-oorganisa ng paligsahan.

Suportado ang individual at relay races ng Bellevue Resort, Province of Bohol, Municipality of Panglao, Finis, Rudy Project, Sante, Active, Manila Bulletin, Crosstrain.PH, MBody.PH, Tempo, Amorita at Bluewater. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.