Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo, 2 pa tiklo sa P6.8M shabu sa mall

0 331

Swak sa piitan ang sinasabing sundalo ng Philippine Army (PA) at dalawang kasamahan nito matapos kumagat sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad at makumpiskahan ng isang kilo ng shabu sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina Private First Class Omar Salillaguia Pagayawan, 35; Amel Abdul, 31, company driver at Jonaid Londoy, 27-anyos.

Base sa ulat, alas-8:30 ng umaga (June 27) nang isagawa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) Police Station 6, ang buy bust sa parking lot ng Ever Gotesco Mall.

Isang PDEA agent ang tumayong buyer at nang magkaabutan ay lumabas na ang mga nakakubling tauhan ng PDEA at QCPD.

Nagtangka pang tumakas ng mga suspek subalit naabutan din sila ng mga awtoridad.

Lumalabas na target ng operasyon ng PDEA ay ang Philippine Army makaraang makarating sa kanilang impormasyon na ginagamit nito ang pagiging sundalo para makapagbenta ng illegal na droga.

Napag-alaman na naka-uniporme pa si Pagawayan nang maaresto at makikita sa patch ang Joint Task Force NCR.

Nasamsam sa mga suspek ang 1kilo na shabu na may street value na P6.8 milyon, buy-bust money at isang Honda motorcycle. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.