Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo binoga sa dibdib ng rebelde

0 143

Sugatan ang isang miyembro ng Philippine Army matapos mapaengkwentro sa hinihinalang apat na miyembro ng rebeldeng grupo sa Infanta, Quezon Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasugatang sundalo na si Staff Sergeant Alex Ayupan, 43, nakatalaga sa isang kampo ng 1st IB ng 2ID ng Army na nakabase sa Brgy. Tongohin, Infanta.

Sa report ng Infanta police, nakatanggap ng impormasyon ang army hinggil sa presensya ng apat na umano ay miyembro ng Communist Terrorist Group at hinhinalang may mga dalang baril sa sako.

Kasama ng biktima ang mga kapwa intel operatives na sina SSg Charnelo Valor at isang PFC Rapol, naharang ng mga ito ang mga suspek na sakay sa isang tricycle sa national highway.

SM food to go Banner Ad

Nang makita ang mga sundalo, tumakbo ang tatlo sa mga suspek samantalang ang isa ay bumunot ng baril at pinaputukan ang papalapit na mga army.

Nasapol sa dibdib si Ayupan habang gumanti naman ng putok ang dalawang kasama nito.

Nagkapalitan ng putok hanggang sa tuluyang tumakas ang mga suspek.

Isinugod sa Claro M Recto Hospital si Ayupan at kalaunan ay inilipat sa Camp V. Luna Hospital sa Quezon City. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.