Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo dinedo, mata dinukot

0 132

NINAKAWAN, pinatay at saka tinaggalan pa ng mata.

Iyan ang kalunos-lunos na sinapit ng isang sundalo sa kamay ng New People’s Army sa Surigao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Private First Class Ariel Maca.

Sinasabing miyembro si Maca ng 36th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Lanuza, Surigao.

Sa report, pauwi na ang biktima nang harangin ng mga hinihinalang miyembro ng NPA.

Tadtad ng tama ng bala ang biktima at maraming pasa sa katawan.

Paniniwala ng AFP, tinorture ang biktima bago patayin at dukutin ang mata.

Napag-alaman na wala na rin ang service firearm ng biktima, at nawawala na rin ang wallet nito na naglalamang ng P50, 000 na galing sa kanyang loan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.