Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo kinabit misis ng pulis

0 74

Arestado ang isang misis at ang kasama nitong sundalo nang mahuli sila ng kanyang mister na pulis sa loob ng isang motel sa Brgy. Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Kuwento ng Police Corporal na itinago sa alyas Boboy, natunugan niyang magkasama ang misis at sundalong kalaguyo nito kaya agad niya itong sinundan at nakitang pumasok sa motel.

Pumunta ang mister sa pulisya upang hulihin ang mga ito at magsampa ng kaso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagtungo ang mga pulis sa naturang lugar at naabutang magkayakap ang dalawa.

Nahaharap sa kasong Adultery ang nasabing misis at ang kalaguyo nito.

May nakuha ring isang .99mm pistol service firearm sa lover at posibleng harapin ang kasong Violation of Comelec gun ban. (AMDJ)

Leave A Reply

Your email address will not be published.