Abante Tonite Interactive

Sundalo na naka-2 round ng sex sa hotel bumulagta

0 374

Isang sundalo ang nasawi nang matamaan ng sari­ling baril sa mukha matapos makipag-agawan ng nasabing armas sa kasamang 18-anyos na babae sa loob ng isang hotel Linggo nang umaga sa Catbalogan City, Samar.

Dead on the spot ang 31-anyos na biktimang aktibong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakadestino sa 8th Infantry Division, Band Company, Camp Lukban sa Barangay Maulong, Catbalogan City at taga-Sitio Egot, Barangay Maulong.

Hawak naman ngayon ng Catbalogan City police si Sheila, 18, dalaga at taga-Samar.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Police Major Romelito Borrel Sorila, hepe ng Catbalogan City police, alas-6:25 nang umaga nang rumesponde sila sa FAME Hotel sa 6 St., Barangay 12 ng lungsod na ito hinggil sa pagkamatay ng biktima sa isang kuwarto sa ikatlong palapag ng establisimyento matapos umanong makipag-agawan sa baril sa kasamang dalaga.

Lumalabas na nagkakilala ang biktima at suspek sa Pier 1 disco bar dakong ala-una nang madaling-araw nitong Linggo at dakong alas-tres ng madaling araw ay nagkasundong magtungo sa nabatid na hotel at nagtalik.

Sinasabing naka-dalawan­g round na ng sex ang dalawa nang magpasyang umuwi na ang dalaga na pinigilan ng sundalo ngunit pinalagan ng babae.

Dito na umano kinuha ng sundalo ang kanyang baril subalit nakipag-agawan ang dalaga dahilan upang aksidente itong pumutok at tamaan sa mukha ang biktima. (Edwin Balasa)