Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo nag-amok sa PMA, 1 patay

0 104

Todas ang isang sundalo habang dalawa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) nitong Martes.

Ayon sa pahayag ni PMA spokesperson Maj. Cheryl Tindog, isang Airman Second Class ng Air Force ang nagwala at nagpaputok sa loob ng barracks, bandang alas-4:50 ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Base sa inisyal na report ng pulisya, patay ang isang sundalo, habang dalawa naman na nagtangkang umawat ang nasugatan.

Siniguro naman ng PMA na malayo ang mga kadete sa pinangyarihan ng insidente at ligtas ang mga ito sa naturang pamamaril.

Hindi naman nilabas ng PMA ang pagkakakilanlan ng biktima at suspek habang iniimbestigahan ang naturang insidente. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.