Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo pinabulagta ng NPA

0 112

Patay ang isang sundalo sa naganap na sagupaan kontra rebeldeng New Peoples Army (NPA) Sabado ng hapon sa Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Army Sgt. Norley Bare, 38, nakatalaga sa Bravo Company ng 96th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Related Posts

Sa ulat ni Police Col. Bernardo Perez, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office (PPO), naganap ang engkwentro ala-1:00 ng hapon sa Barangay Salvacion ng nabatid na bayan.

Nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng Bravo Company ng 96th Infantry Battalion, ng Philippine Army sa pamumuno ni 1s Lt. Brylle Kay Iglesia nang makasagupa ang hindi pa batid na bilang ng mga rebelde.

Matapos ang 5-minutong sagupaan ay bumulagta si Bare habang nagsitakas ang mga rebelde. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.