Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo rumaket ng droga utas sa Davao del Sur

0 358

Patay ang isang sundalo na umano’y tulak ng iligal na droga matapos na manlaban sa isinagawang police operation sa Digos City, Davao del Sur Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawing suspek na si Army Sergeant Reginald Labajo, 35, dating nakatalaga bilang intelligence officer ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Davao del Sur.

Matagal na umanong isinasailalim sa surveillance operation ang suspek bago ang naganap na buy-bust operation. Lulan umano ng kanyang sasakyan si Labajo at binabagtas ang Abad Santos St., Brgy. Zzone 3 ng Abella Subdivision nang mapansin nito na sinusundan siya ng mga operatiba saad pa ni Tababa.

Una umanong bumaril ang suspek at pinaputukan ang mga nakasunod na operatiba na agad namang gumanti ng putok sa suspek dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nakuha kay Labajo ang shabu na tinatayang nasa mahigit 40 gramo na nagkakahalaga ng mahigit sa P270,000, isang 9 mm Glock-17 at 3 magazine nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.