Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sundalo sa ‘Rubout’ tinaniman ng baril

0 934

Ni Nancy Carvajal

Walang naganap na shootout at itinanim lamang ang baril na natagpuan sa tabi ng bangkay ng isa sa apat na miyembro ng Philippine Army na niratrat ng mga pulis sa Jolo, Sulu.

“Pinaputok muna, bago nilagay sa tabi ng sundalo na napatay,” sabi ng source ng Abante TONITE base umano sa isinagasawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente.

Bukod sa tanim baril, sinabi ng source na mayroon ding anim na testigo ang lumantad at inihayag na walang naganap na palitan ng putok sa pagitan ng mga napatay na sundalo at mga pulis.

Lumalabas din aniya sa pagsusuri ng forensic team ng NBI na negatibo sa gun poweder ang mga napatay na sundalo.

“Forensic examination on the soldiers’ body and clothes showed that the paraffin tests were negative of nitrates residuem,” ayon sa source.

Matatandaang kabilang sa kasong isinampa naman laban sa mga pulis-Quezon City kaugnay sa pagkamatay kay ex-Army Winston Ragos ay ang pagtatanim ng baril dito.

Samantala, sa hiwalay na panayamm tumanggi si NBI Director Eric Distor na magbigay ng mga detalye hinggil sa kanilang imbestigasyon pero sinabing malapit na silang magsampa ng kaso.

“We have a team working overtime to wrap up the investigation soon, and cases will be filed against those responsible regardless of affiliation,” ani Distor.

Una nang inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nagkaroon ng barilan sa pagitan ng apat na sundalo at mga pulis sa isang checkpoint.

Subalit bukod sa forensic at physical evidence, ayon sa source, ilang testigo ang lumantad at boluntaryong nagbigay ng salaysay sa insidente.

“There are eyewitnesses and video footages that showed how the whole incident happened,” sabi ng source.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Major Marvin Indamog, commanding officer ng 9th Intelligence Service Unit; Capt. Irwin Managuelod; Sgt. Eric Velasco; at Cpl. Abdal Asula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.